Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) para linisin ang mga naiwang basura at debris dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat.
Ito’y para masigurong matanggal ang bara sa mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig upang maiwasan ang matinding baha sa lungsod.
Narito ang ilan sa mga isinagawang clearing operations sa iba-ibang bahagi ng QC:
• Clearing works sa Don Jose St. cor Alcaraz, at Don Jose St. cor NS Amoranto, Brgy. Sienna
• Clearing works sa Pat Senador St. cor West Riverside, Brgy San Antonio
• Clearing works sa Wayan St., Brgy. Masambong
• Clearing works sa Valencia St. cor West Riverside, Brgy. Del Monte
• Clearing works sa San Pedro Bautista, Brgy. Del Monte/Brgy. Mariblo
• Clearing works sa Detention Basin sa Maria Clara St., Brgy. Sto. Domingo
• Clearing works sa Ever Gotesco, Commonwealth Ave.
• Clearing works sa Elliptical Rd, Brgy. Central
• Clearing at de-clogging works sa Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson
Paalala sa publiko, maging responsable sa pagtatapon ng basura. Ugaliing magbukod at itapon ang inyong mga basura sa wastong tapunan.
Tandaan, mas maiiwasan ang matinding pagbabaha kung magtutulungan ang bawat isa para mapangalagaan ang ating kapaligiran.










