Patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng QC Department of Engineering (QCDE) upang alisin ang mga basura, debris, at iba pang maaaring maging sanhi ng pagbabara sa mga drainage system at daluyan ng tubig, at makatulong sa mas mabilis na paghupa ng baha dulot ng habagat.
Narito ang ilan sa mga isinagawang clearing operations sa iba-ibang bahagi ng lungsod:
•Clearing works sa G. Araneta (mula Kaliraya hanggang E. Rodriguez), Brgy. Tatalon
•Clearing works sa Zabarte Ave., Brgy. Kaligayahan
•Clearing works sa Lorraine, Cristine, Evangeline, at Geraldine Streets, Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson
Pinapaalalahanan din ang publiko na maging responsable sa wastong pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara ng mga drainage system at iba pang daluyan ng tubig, na maaaring magdulot o magpalala ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.










