Hindi tumitigil ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE), sa pagsasagawa ng mga clearing operation para alisin ang mga basura at debris sa mga daluyan ng tubig.
Narito ang ilan sa mga isinagawang clearing operations sa iba-ibang bahagi ng lungsod:
• Clearing works sa NS Amoranto St., Brgy. Sto. Domingo at Brgy. Sienna
• Clearing works sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo at Brgy. Sienna
• Clearing works sa Don Ramon St., Brgy. Talayan
• Clearing works sa Maria Clara St., Brgy. Talayan
• Clearing works sa Don Jose St., Brgy. Talayan
• Clearing works sa Calamba St., Brgy. Talayan
• Clearing works sa Sapamanai St., Brgy. Fairview
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasagawa ng mga hakbanging ito, layunin ng pamahalaang lungsod na mapanatiling maayos, malinis, at malayang nakadadaloy ang tubig para maiwasan ang matinding pagbabaha.










