Agad na nagsagawa ang Quezon City Department of Engineering (QCDE) at Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) ng clearing operations mula kagabi hanggang ngayong umaga sa G. Araneta Ave. cor. Kaliraya Street, Barangay Tatalon, upang alisin ang mga naiwang basura at debris.
Bahagi ito ng agarang pagtugon upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig sa mga drainage system at maiwasan ang pagbabara na maaaring magdulot o magpalala ng pagbaha sa lugar.
Katuwang ng Quezon City Government sa isinagawang clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mga kinakailangang clearing at response operations, katuwang ang mga concerned agencies, upang agad na matugunan ang mga epekto ng nararanasang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.










