Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang report ng isang concerned QCitizen sa double parking at road obstructions sa bahagi ng Dama de Noche St. at Rose St. sa Barangay Payatas.
Nakipag-ugnayan ang TTMD sa mga opisyal ng barangay at fire marshal tungkol sa naturang reklamo at nagsagawa ng clearing operations. Kasabay rin nito ang pagbibigay ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga violator.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Hinihikayat din natin ang publiko na i-report sa amin o sa Helpline 122 ang mga kahalintulad na concern.








