Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa Majaas Street, Mayon Street, Legaspi Street, at Payatas Road sa Barangay Payatas, bilang tugon sa natanggap na report ng lokal na pamahalaan tungkol sa illegal parking sa mga nasabing lugar.
Nakipag-ugnayan ang TTMD sa mga barangay official tungkol sa naturang reklamo, at kasabay nito ang pag-iisyu ng ordinance violation receipt (OVR) sa mga naaktuhang lumalabag sa mga ordinansa.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam ito sa amin o tumawag sa Helpline 122.








