Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang report ng isang concerned QCitizen sa double parking sa bahagi ng Jose Abad Santos Street sa Barangay Sta. Cruz.
Nakipag-ugnayan ang TTMD sa mga may-ari ng sasakyan na nakaharang sa kalsada at nagsagawa ng clearing operations sa naturang lugar.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Hinikayat po natin ang publiko na i-report sa amin o sa Helpline 122 ang mga kahalintulad na concern. Sama-sama po tayo sa pagtiyak na mapanatiling maayos, malinis, at kaaya-aya ang ating lungsod.
Maraming salamat po.








