Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng joint clearing operations ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa Peacock Street, Brgy. Fairview, bilang tugon sa natanggap na report ng lokal na pamahalaan tungkol sa illegal parking sa mga nasabing lugar.
Inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa kalye, na maaaring magdulot ng panganib sa mga siklista at pagbagal ng daloy ng trapiko.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Lungsod Quezon.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam ito sa amin o tumawag sa Helpline 122.










