Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang clearing operations ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE), sa ilalim ng Culiat Bridge sa Congressional Avenue, Brgy. Ramon Magsaysay, matapos ang malaking sunog na naganap sa lugar.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Maintenance Team, tuloy-tuloy ang paghakot at paglilinis ng mga natitirang fire debris upang maging ligtas at maayos ang lugar.
Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng Department of Engineering sa mga kaukulang ahensya upang matiyak na ligtas ito bago muling buksan sa publiko.










