Agad na nagsagawa ng clearing operations sa Culiat Bridge sa Congressional Avenue ang Quezon City Government, sa pangunguna ng QC Department of Engineering (QCDE), matapos ang nangyaring sunog sa nasabing lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Tinanggal at hinakot ng mga tauhan ng QCDE ang mga naiwan at nagkalat na debris mula sa sunog. Ininspeksyon rin ang kalagayan ng tulay kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) para sa paunang assessment.
Naglagay naman ng steel barricades sa tulay upang masiguro ang kaligtasan ng paligid at maiwasan ang pagpasok ng mga tao.
Patuloy ang koordinasyon ng QCDE sa mga kaukulang ahensya para sa mas masusing pagsusuri sa tibay ng tulay upang matiyak na ligtas na itong daanan bago muling buksan sa publiko.










