Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Inuumpisahan na ang clearing operations sa mga totally damaged structures na naapektuhan ng sunog sa NIA Road, Barangay Pinyahan.
Pinangunahan ito ng National Housing Authority (NHA), katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), QC Housing Community Development and Resettlement Department, at ang Peace and Order Cluster ng lungsod.
Layon ng operasyon na bigyang-daan ang pagtatayo ng pitong vertical housing buildings sa lugar, na magsisilbing tirahan ng mga nasunugang pamilya.
Matapos ang sunog kamakailan, nagpaabot na ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at NHA, sa mga apektadong pamilya.








