Simula March 7, 2022 ipapatupad ng Law and Order Cluster ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang clearing operations sa mga illegal outdoor media advertisements, posters, billboards, at streamers na nakapaskil sa mga pampublikong lugar tulad ng mga gusaling pagmamay-ari ng gobyerno, mga overpass at underpass, eskwelahan, mga streetlights, poste, at mga terminal ng pampublikong sasakyan.
Ang isasagawang clearing operations ay alinsunod sa City Ordinances SP 3044-2021, SP 2109-2011, at SP 2021-2010.