Nabigyang solusyon ang reklamo ng isang QCitizen na nagpadala ng mensahe sa Quezon City Government Facebook page ukol sa baradong drainage sa Abenojar St., Brgy. Culiat na nagdudulot ng pagbaha sa kalsada.
Sa pangunguna ni District 6 Office Action Officer Atty. Mark Anthony Aldave at tulong ng Quezon City Engineering Department – Road Maintenance Division ay agad isinagawa ang pagsasaayos ng drainage kung saan nakita na sirang tubo ang naging sanhi ng patuloy na pagbaha sa lugar.