Ipinasara ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang tatlong KTV Bar na nag-o-operate sa Barangay Holy Spirit, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Inisyuhan ng closure order ang D’ Angel’s KTV Bar dahil sa paglabag sa QC Revenue Code at Quezon City Liquor Ordinance.
Kahapon, nagsagawa ng joint operation ang QCPD Station 14, BPLD, QC Health Department, at Social Services Development Department sa D’ Angel’s. Kahapon, nagsagawa ng joint operation ang QCPD Station 14, BPLD, QC Health Department, at Social Services Development Department sa D’ Angel’s. Nasagip ang siyam na kababaihan na nagtatrabaho dito at isa ay napag-alamang menor de edad.
Naaresto rin ang dalawang indibidwal na lumabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Pinatawan naman ng temporary closure order ang Pinkish KTV Bar (Canteen Bar) at Angielyn Store/ KTV Bar/Carinderia na lumabag din sa QC Revenue Code at Quezon City Liquor Ordinance.
Kasalukuyan silang iniimbestigahan para matukoy kung may menor de edad ding nagtrabaho sa kanilang establisimyento.




