Nagsagawa ang QC Strategic Human Resource Unit (SHRU), sa tulong ng Human Resource Management Department (HRMD), ng Coaching and Mentoring Training para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod.
Karamihan sa mga sumailalim sa training ay mga team leader o supervisor mula sa iba-ibang departamento.
Nagsilbing resource speaker sa training si Mr. Angelito S. Obillio, Jr. ng HRMD na nagbahagi ng kaalaman at expertise tungkol sa mga pamamaraan kung paano mas mai-develop ang potensyal at kakayahan ng mga kawani.
Patuloy ang SHRU at HRMD sa pagsasagawa ng trainings at seminar sa ilalim ng Learning and Development Program upang mas mapatibay ang workforce nito at makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo para sa mga QCitizen.