Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang gumuhong hanging bridge sa Tullahan River dahil sa malakas na agos at walang patid na pag-uulan sa Lungsod Quezon.
Ang naturang tulay ay nagkokonekta sa mga Barangay ng North Fairview at Sta. Lucia.
Agad na ipinag-utos ng Alkalde sa City Engineering Department ang mabilis na pagkumpuni ng mas matibay na tulay para sa mga residenteng gumagamit nito.
Kasama ng Alkalde sa inspeksyon sina City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at mga kawani ng barangay.




