Kalayaan, Kultura, at Karapatan — tunay na buhay sa Quezon City! ![]()
![]()
Sama-sama ipinagdiwang ang CoLove Rights Festival, isang selebrasyon ng para sa mas inklusibong lungsod na may temang, “Weaving Inclusion, Wearing Pride, Walking for Rights,”
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Crisaldo “Cris” Pablo, Creative Executive Director, at H.E. Daniel Hernandez Joseph ng Mexican Embassy to the Philippines ang pagbubukas ng programa.
Ito ay sinundan ng mga makabuluhang mensahe mula sa LGBTIQ+ sector leaders at kinatawan mula sa Education, Seniors, at Youth sectors ng People’s Council of QC.
Naghatid naman ng suporta ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan tulad ni Coun. Doc Ellie Juan at San Pedro, Laguna 1st District Rep. Ann Matibag.
Sa pagtatapos, ginawaran ng pagkilala ang 20 Champions of Love sa CoLove LGBTIQ+ Legacy Awards.
Ang CoLove Rights Fashion, Food, and Film Festival ay bahagi ng The LoveLife Project kung saan tinuruan ang elderly LGBTIQ+ individuals, Persons with Disabilities (PWDs), at out-of-school youth ng skills sa filmmaking at kung paano gumawa ng accessories.








