Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang seremonya ng lokal na pamahalaan bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Watawat ngayong araw.
Pinalamutian na ang ilang bahagi ng City Hall ng bandila ng Pilipinas bilang bahagi ng selebrasyon.
Ang Araw ng Watawat ay ginugunita tuwing Mayo 28 bilang pag-alala sa unang pagwagayway ng bandila sa Labanan sa Alapan noong 1898.
Pinalawig ang selebrasyon hanggang Hunyo 12 upang hikayatin ang lahat ng Pilipino na ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa ating pambansang sagisag, ang watawat ng Pilipinas, na kumakatawan sa ating kasarinlan, kultura, at pagkakaisa.




