Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiiisa ang Quezon City Government sa paggunita ng ika-128 National Flag Day.
Ngayong Huwebes, pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Coun. Nanette Castelo-Daza ang pagdiriwang ng lungsod sa Araw ng Watawat sa QC Hall.
Mula May 28 hanggang June 12, ginugunita ng bansa ang National Flag Days base sa Executive Order No. 79 na inilabas noong 1994.
Ang National Flag Day ay pag-alala sa unang beses na pagwagayway ng pambansang watawat sa Alapan sa Imus, Cavite noong 1898, matapos ang matagumpay na laban ng Philippine Revolutionary Army sa mga Espanyol.










