Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Commission on Audit (COA) Entrance Conference para sa audit na isasagawa sa operation at financial report ng QC ngayong taon.

Binigyang importansya ng alkalde ang kahalagahan ng mabuti at malinis na pamamahala para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod. Nangako rin ang lokal na pamahalaan na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa komisyon upang mas mapadali at maging maayos ang isinasagawang audit.

Dalawang beses nang nakatanggap ng “Unmodified Opinion” ang lungsod sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Belmonte.

Bukod kay Mayor Joy, dumalo sa conference si Vice Mayor Gian G. Sotto kasama sina Secretary to the Mayor Ricardo T. Belmonte Jr., City Administrator Michael Victor N. Alimurung, Office of the City Mayor – Chief of Staff Rowena T. Macatao, Internal Audit Service head Atty. Noel Emmanuel C. Gascon, Human Resources Management Department head Atty. Noel R. del Prado, City Budget Department – City Budget Officer Marian C. Orayani, Procurement Department OIC Atty. Dominic B. Garcia, General Services Department OIC Fe B. Bass, Acting Assistant City Treasurer for Administration Noel Adrias, at City Accountant Ruby G. Manangu.

Naroon din ang mga opisyal ng COA LGS-NCR na sina Regional Director Maria Carina Paulita J. Pagawayan, Assistant Regional Director Renato O. Rosales, Supervising Auditor at COA-QC OIC Joseph L. Perez, kasama ang ilang kawani at audit team leaders.