Kampeon sa edukasyon!
Binigyang-pagkilala ang Quezon City University (QCU) sa ginanap na Commission on Higher Education’s Internationalization Champions of Nation-Building and Sustainability (ICONS) Awards 2025, sa Philippine International Convention Center (PICC) noong December 10, 2025.
Ginawaran ang QCU sa Sustainability Category para sa Local Universities and Colleges (LUCs) bilang pagkilala sa mga sustainability initiatives nito—mula sa mga academic programs, campus operations, hanggang sa mga proyektong pangkomunidad.
Pinatutunayan nito ang pangunguna ng QCU sa pagsusulong ng United Nations Sustainable Development Goals (SDGs) sa sektor ng higher education sector.
Bukod dito, pinarangalan din ang QCU para sa paglahok at magandang performance nito sa Times Higher Education (THE) Impact Rankings 2025, kung saan kasama ang unibersidad sa 1,501+ global tier.
Personal naman na tinanggap ni University President Dr. Theresita V. Atienza ang mga parangal—patunay ng sama-samang pagsisikap ng pamantasan, mula sa mga guro at kawani hanggang sa mga mag-aaral at partner institutions.





