Workplaces should be safe spaces!
Sa kauna-unahang Committee on Decorum and Investigation (CODI) Summit 2026 ng Philippine Commission on Women, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano sinisiguro ng lokal na pamahalaan ang isang ligtas na opisina at tanggapan para sa lahat.
Sa Quezon City Government, walang puwang ang kahalayan, pambabastos, at kawalan ng respeto. Simula nang maitatag ang CODI ng lungsod noong 2020, aabot na sa 32 sexual harrasment complaints ang natanggap mula sa mga empleyado. Karamihan sa mga ito ay naresolba na, at napatanggal na ang mga abusado at nananamantala.
Walang sinu-sino at sinasanto ang CODI ng lungsod. Binibigyan ng hustisya ang bawat indibidwal, anuman ang kanilang kasarian o posisyon sa trabaho, para mapairal ang respeto, pagtanggap, at kabuuang kaligtasan sa opisina.










