Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inspeksyon sa mga nasunog na market stalls sa Commonwealth Market kasama ang Federation of QC Public Market Association ngayong Sabado.
Nasa 332 market vendors ang naapektuhan ng naganap na sunog nitong Abril 25.
Nauna nang nagpulong ang alkalde at Philippine Guarantee Corporation, na nagmamay-ari ng lupain, para sa rehabilitasyon nito.
Layunin ni Mayor Joy na mabilis itong maisaayos upang agad na makabangon ang apektadong vendors at matiyak na ligtas ang ibinibentang produkto sa palengke.
Kasama ng alkalde sa pag-iikot sina City Market Administrator and District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at mga kinatawan ng market vendors.










