Kinilala ng UNAIDS Philippines, Action for Health Initiatives (ACHIEVE), at Australian Embassy Manila ang Quezon City Government para sa mga natatanging programa nito para matugunan ang HIV at AIDS.
Pinarangalan din ang QC ng Outstanding Achievement in HIV Financing award dahil sa mga inilaan nitong pondo para sa pagpapalakas ng HIV prevention, detection, at treatment initiatives.
Noong 2023, naglaan ang lungsod ng mahigit 110 million pesos para sa HIV at AIDS programs.
Tinanggap ni City Epidemiologist at STI & HIV Program Coordinator Dr. Rolly Cruz ang mga award, sa ginanap na Investing in Community Leadership: The COPE Story event sa Novotel ngayong umaga.