Simula sa February, bukod sa mga health center at lying-in clinics ng lungsod, pwede nang mag-request ng cervical cancer test sa ilang SouthStar Drug outlets!

Ngayong umaga, pormal nang inilunsad ng Quezon City Government katuwang ang Department of Health (DOH) at Jhpiego Philippines ang mas pinaigting na community-based cervical cancer screening program sa lungsod.

Magiging available ang HPV DNA test para sa mga kababaihang QCitizen edad 30-49 years old sa Pebrero.

Dagdag ito sa iba pang cervical cancer screening programs sa mga health facility ng QC, kabilang ang HPV vaccination para sa mga kabataang babae edad 9-14, at visual inspection with acetic acid (VIA) at Pap Smear para sa mga 50 years old pataas.

Kapag nag-positibo, agad na isasailalim ang pasyente sa thermal ablation intervention. Kapag mayroon pa ring bukol, ire-refer na siya ng health center doctor sa partner hospitals.

Nakiisa naman sa media launch ng programa sina QC Health Department OIC Acting Assistant City Health Officer Dr. Malu Eleria, QC Cancer Control Coordinator Dr. Karen See, Southstar Drug Corporate Affairs Manager in Drugstore Segment Carole Malenab, Kilusan ng Manggagawang Kababaihan Spokesperson Jacq Ruiz, Dr. Ara Jurao ng DOH, at Cervical Cancer Elimination Advocate Joycee Caubat.

+16