Pinangunahan ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Division ang isang community bike ride bilang bahagi ng selebrasyon ng World Bicycle Day.
Layon nitong isulong ang road safety at alternatibong transportasyon tulad ng bisikleta.
Namahagi rin ang QC ng freebies sa mga QCitizen na nagba-bike to work bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa paggamit ng eco-friendly transportation.
Nakiisa sa selebrasyon ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan, Traffic and Transport Management Department, Metropolitan Manila Development Authority, at cycling groups.
Happy World Bicycle Day, mga ka-padyak!




