Dumalo si Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Head Ma. Bianca Perez sa ikalawang araw ng Community Development Workers’ Training para para sa QC-accredited Civil Society Organizations (CSOs). Pinangunahan ito ng Barangay and Community Relations Department (BCRD)
Tinalakay dito ang kahalagahan ng community preparedness at resilience sa lungsod para mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad sa panahon ng sakuna.
Ibinahagi rin niya ang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Plan bilang gabay sa pagtugon sa mga panganib tulad ng lindol, baha, pagguho ng lupa, sunog, at iba pang hazard scenarios.
Nagbigay rin ng update ang QCDRRMO sa ResQC Go Bags, na nakatuon sa mga pamilyang nasa mga lugar na madalas bahain at nasa West Valley Fault.








