Congratulations sa 55 QCitizens na nagtapos sa Community Garbage to Garden Project ng Zarahlan Bokashi Composting, at Coca-cola Foundation Philippines sa pakikipagtulungan sa QC Government.
Ang mga residente ay tinuruan ng Bokashi composting na puwedeng magamit sa mga tanim sa kanilang bakuran at maaari ring pagkakitaan.
Pinasalamatan din ni Mayor Joy Belmonte ang Zarahlan Bokashi Composting, at Coca-cola Foundation Philippines sa pangunguna nina Ms Lanie Francisco at Ms Ting Cabalza sa pakikiisa nila sa adbokasiya ng lungsod sa pagbabawas ng basura, lalo na sa food waste at organic waste.