Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
HEALTHY FAMILY, HEALTHY PLANET! ![]()
![]()
Iprinisenta na ang natapos na mural artwork ng mga kabataang artists sa Community Mural Activity sa Quezon Memorial Circle na pinangasiwaan ng QC Health Department at ImagineLaw.
Layon ng 2-day program na isulong ang pagtangkilik sa masustansyang pagkain, pagiging malusog na pamilyang Pilipino, at pagbuo ng healthy food environment sa bansa.
Bahagi ng programa ang Healthy Market Fair, community mural, at mga booths ng mga partnered organizations.
Nagpahayag naman ng kani-kanilang mensahe sina National Nutrition Council Executive Director Dr. Albert Domingo, ImagineLaw Project Manager Atty. Mikhail Millan, at QCHD Chief Nutritionist Jai Sideco.










