Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pagmahal ng petrolyo, nagsagawa si Konsehala Dra. Doray Delarmente ng community pantry sa Barangay Vasra upang direktang makatulong sa pangangailangan ng mga residente.
Namahagi ang konsehala ng iba-ibang uri ng gulay. Pinaalaahanan niya ang mga QCitizen na magdala ng eco bags bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagbabawas ng paggamit ng plastik.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at diwa ng bayanihan, patuloy na kumikilos ang pamahalaang lungsod upang masuportahan ang komunidad.










