Para sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta sa lungsod, mahigit 80 na concrete plant box barriers ang inilagay sa bike lane sa kahabaan ng Katipunan Avenue mula Thornton Drive hanggang Petron/La Vista Gate.
Bahagi ito ng adbokasiya ni Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng mas maayos at ligtas na bike lanes at isulong ang active, sustainable, at environment-friendly transportation sa ating lungsod.