Sinisiguro ng Quezon City Government na napapakinggan at natutugunan ang mga hinaing at suhestyon ng QCitizen solo parents.
Ngayong araw, tinipon ng Quezon City Government ang 155 accredited solo parents organization para alamin ang mga serbisyong nais pa nilang matanggap.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na sinisikap ng lungsod maibigay ang lahat ng programa para sa mga mamamayan, lalo na sa mga bahagi ng vulnerable sector tulad ng mga solo parents, para matiyak na tunay na kasama ang lahat sa pag-unlad.
Ang makukuhang mga suhestyon at isyu na dapat tugunan para sa kapakanan ng mga solo parent ay ibabahagi sa gaganaping Civil Society Organization Conference sa Disyembre.