Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na Conference para sa 52 urban poor organizations mula sa Distrito 1 na pinangasiwaan ng Housing, Community Development & Resettlement Department (HCDRD) at Barangay and Community Relations Department (BCRD) sa QCX Museum.
Layon ng 2-day urban poor summit na mapakinggan at matugunan ng lokal na pamahalaan ang mga nais nilang idulog, kinahaharap na isyu, at mga problema sa kani-kanilang mga komunidad.
Katulad ng alkalde, isa-isa ring nanumpa ang community leaders sa pledge of commitment na maging kaisa ng QC Gov’t sa pagsisigurong matatamasa ng kanilang sektor ang isang dekalidad na komunidad.
Dumalo rin sa programa sina HCDRD head Ramon Asprer, HCDRD Acting Asst. Department Head Atty. Jojo Conejero, at BCRD head Ricky Corpuz, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at QC Development Council – Urban Poor Sectoral Rep. Rodel Adiao.