“Babae ka, hindi babae lang” – mga katagang nag-papaalala sa mga kababaihan ng kanilang halaga at kakayahan na maihahalintulad sa mga
kalalakihan.
Noong ika-14 ng Marso, ipanagdiwang ng Lungsod Quezon ang pag-gagawad ng parangal sa isang natatanging babae ng Lungsod Quezon, ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at ika- 85 na Anibersaryo ng Lungsod. Ang pag-bibigay ng Gawad Tandang Sora ay isang parangal na iginagawad sa natatanging babae ng Lungsod Quezon, na nagtataglay ng mga katangian ni Melchora Aquino o mas kilala bilang Tandang Sora.
Ngayong taon, ang dating Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at
Pagpapaunlad Panlipunan na si Dr. Judy M. Taguiwalo ang kinilala bilang
Gawad Tandang Sora Awardee.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga Opisyales ng Lungsod Quezon sa pangunguna ng Kagalang-galang Ma. Josefina G. Belmonte kasama ang mga Miyembro ng Konseho, Representante ng Ika-anim na Distrito Kagalang-galang Marivic Co-Pilar, Action Officers, Pinuno ng iba’t-ibang Departamento, mga Opisyales ng Barangay Tandang Sora, mga Ka-anak ni Melchora Aquino at mga Miyembro ng Komite ng Gawad Tandang Sora.
Tunghayan sa ibaba ang ilan sa mga kaganapan sa araw ng parangal.