Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa umpisa ng District 3 inter-barangay men’s basketball tournament na pinangunahan ni D3 Rep. Franz Pumaren sa Barangay Marilag Gymnasium.
Ayon kay Mayor Joy, makakaasa ang mga kabataang atleta sa QC na magiging maayos at de-kalidad ang mga itatayong sports facilities sa Lungsod Quezon.
Aabot sa 39 teams mula sa mga barangay ng Distrito 3 ang lalahok sa taunang Congressman Pumaren Cup. Idadaos ang mga laro sa Marilag Covered Court at Escopa 3 Covered Court.
Present din sa programa sina Councilor Wency Lagumbay, Councilor Chuckie Antonio, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, former Councilor Julian Coseteng at mga barangay officials ng distrito.