Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga German experts na bumisita sa Lungsod Quezon ngayong araw.

Bahagi ito ng kanilang bechmarking activity para sa mga best practices ng QC partikular na sa disaster management, law and order, risk communication at housing programs ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag din ni Mayor Joy ang pagpupursige ng lungsod na mabawasan ang epekto ng climate change, ang iRISE UP system ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), mga programang pabahay, urban farms, at ang pagiging handa ng lungsod katuwang ang mga barangay sa iba-ibang kalamidad.

Magkakaroon ng dalawang araw na benchmarking sa QC ang mga german experts na sina Tim Luhmann mula sa City of Wuppertal – Fire Department, Angelika Schweimnitz ng Institute for Security Science and Rescue Technology – Cologne Fire Department, at Dr. Michele Roth ng BKK – Federal Office of Civil Protection and Disaster Assistance. Kasabay nila ang mga tauhan ng Makati City DRRMO Office.

Naglahad ng kanilang presentation sina QCDRRMO OIC Bianca Perez, Housing Community Development and Resettlement Department Acting Asst. Department Head Atty. Jojo Conejero, QCDRRMO Operations and Warning Section Chief Erwin Valdez, Public Affairs and Information Services Department head Bert Apostol, at Social Services Development Department Welfare and Relief Division head Carolina Patalinghog.

+15