Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga kinatawan ng Consortium of International Agricultural Research Centers (CGIAR) upang talakayin ang kanilang research initiative na “Resilient Cities Through Sustainable Urban and Peri-Urban Agrifood Systems.”

Ang CGIAR ay isang global research partnership na nakatuon sa food security.

Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga programang The Joy of Urban Farming at GrowQC ng Lungsod Quezon, kabilang ang mahigit 700 na urban farms at 16,000 QCitizen urban farmers na patuloy namang sinusuportahan ng lokal na pamahalaan.

Dumalo rin sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, Small Business and Cooperatives Development Promotions Office OIC Mona Yap, QC Sustainable Development Affairs Unit head Emmanuel Velasco at mga kawani ng CGIAR na sina Dr. Silvia Alonso, Dr. Gordon Prain, Dr. Nozomi Kawarazuka, Arma Bertuso at Phoebe Ricarte.