Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Senador Risa Hontiveros para pag-usapan ang planong pagtatayo ng Women’s History Museum sa Tandang Sora Shrine sa Quezon City.
Bilang kilalang kampeon at tagapagsulong ng karapatan ng mga kababaihan, nangako si Sen. Hontiveros na tutulong sa pagpapagawa ng museo ng kasaysayan ng mga kababaihan sa Dambana ni Melchora Aquino sa Banlat Rd. Barangay Tandang Sora Q.C.