Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga suhestyon at pangangailangan ng mga QCitizen sa mga barangay ng Balonbato at Unang Sigaw sa naganap na pulong ngayong araw.
Tinalakay ang urban renewal program ng lokal na pamahalaan na layong mapaganda at gawing ligtas ang mga nasabing barangay.
Ibinahagi rin ng Parks Development and Administration Department (PDAD) ang kanilang proyektong open and green space na mapakikinabangan ng mga residente. Kabilang sa mga itatayo sa malawak na parke ang play and fitness areas, active mobility paths, paglalagay ng murals, multi-purpose court, at recreational area.
Nais din ng lungsod na gawing tourist destination ang naturang lugar dahil bahagi ito ng Katipunan Heritage Trail.
Dumalo rin sa pulong kasama ng alkalde ang ilang opisyal at kinatawan mula sa QC Government.