Nagsagawa ng coordination meeting at ocular visit ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Quezon City Security Cluster at ni District 5 Action Officer William Bawag, bilang bahagi ng masusing paghahanda para sa New Year Countdown sa Nova Park, Novaliches Bayan ngayong December 31, 2025, simula 6:00 PM.
Layunin ng pulong at inspeksyon na matiyak ang kaayusan ng programa at kaligtasan ng mga manonood sa buong selebrasyon.
Kabilang sa mga dumalo sina Chief of Staff Rowena Macatao, QC Tourism Department (QCTD) OIC Giana Barata, Public Affairs and Information Services Department (PAISD) head Engelbert Apostol, at iba pang kinatawan mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS), Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
QCitizens, inaanyayahan namin kayo na makiisa at maki-jamming sa Distrito Singko, Mag-Ingay Tayo: Nova Countdown to 2026 Celebration!
Para sa listahan ng mga banda at artist na magtatanghal, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1H3xQK89jf/?mibextid=wwXIfr
Narito rin ang mahahalagang paalala at mga ipinagbabawal na dalhin upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat:
https://www.facebook.com/share/p/17geYjKm9h/?mibextid=wwXIfr
Kita-kits sa isang maayos, payapa, at masayang pagsalubong sa 2026! ![]()










