Nagpulong ang mga opisyal ng Quezon City Government at Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, para masigurong handa ang lungsod sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinag-usapan ang deployment na gagawin ng lokal na pamahalaan at mga ruta ng mga sasakyan upang masigurong malimitahan at matugunan ang anumang aberya na posibleng maranasan ng mga residente.