Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at GSIS President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso para talakayin ang planong pagtatayo ng integrated terminal malapit sa Quezon Memorial Circle.
Inaasahang mas magiging magaan at madali ang biyahe ng mga commuter kapag naitayo ang nasabing transport hub.