Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang delegasyon mula sa Pamahalaang Lungsod ng Cotabato City sa pangunguna nina Mayor Bruce Matabalao at Vice Mayor Sultan Johair Madag.
Bumisita ang mga opisyal ng Cotabato City sa Quezon City para sa isang benchmarking activity ng mga best practices ng QC.
Kabilang sa kanilang pinag-aralan ang mga programa at serbisyo ng QC Business Permits and Licensing Department, Local Economic Development and Investment Promotions Office, at Office of the City Administrator.
Kasama rin sa courtesy visit ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City.










