Lumahok si Majority Floor Leader Councilor Dorothy “Doray” Delarmente kasama ng ilang Sangguniang Kabataan Chairwomen mula sa Lungsod Quezon sa isang forum tampok ang bumibisitang Bise-Presidente ng Amerika na si Kamala Harris at U.S. Ambassador to the Phillipines Marykay Carlson.

“Empowerment of Young Women Leaders and Girls” ang naging paksa ng forum na ginanap kahapon sa Sofitel Manila.

Binigyang-diin ni US VP Harris ang kahalagahan ng na magkaroon ng pantay na access ang mga kababaihan sa kapital, financial literacy, at oportunidad. Giit ni VP Harris na lipunan ang makikinabang sa pag-angat sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga kababaihan.