Alinsunod sa court order na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court, nagsagawa ng counselling program ang ilang KKDK facilitators ng QC Female Jail Dormitory para sa labinsiyam (19) na Persons Deprived of Liberty (PDL) plea bargainers kasama ang kanilang mga kamag-anak.
Pinangunahan nina KKDK facilitators JO2 Mylen Rama, JO2 Marisheil Pias, JO2 Marie Jalon, JO2 Cyrine Mangalubnan, JO2 Reena Casiao at JO1 Bryn Joseph Adrales ang nasabing programa.
Ang KKDK o Katatagan, Kalusugan at Damayan ng Komunidad ay isang community based “task force” na may layong matulungan ang mga PDL sa drug recovery at intervention.