Bilang isa sa mga kilalang kampeon ng pagsulong ng mga hakbang upang tugunan ang climate change, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Galing Pook Foundation sa pangunguna ni Executive Director Georgina Hernandez kasama ang mga kinatawan ng Center for Empowerment, Innovation and Training on Renewable Energy (CentRE) ngayong araw.

Tinalakay din ang pagsulong ng renewable energy sa mga komunidad lalo na sa mga paaralan at mga pampublikong gusali.