Upang makapagbigay ng mas maraming scholarship opportunities para sa mga QCitizen, nakipagpulong ang Quezon City Government sa Fulbright Philippines.

Sa kanilang meeting, ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte na ipa-prayoridad sa scholarship ang mga programang lubos na makakatulong sa pag-unlad ng lungsod.

Kasama ng alkalde sa pulong sina Fulbright Philippines Executive Director Julio S. Amador III, City Administrator Mike Alimurung, Youth Development Office Head Dr. Lyn Dividina, at Human Resource Management Department Head Atty. Noel Del Prado.