Upang mas matutukan ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa alternative child care, tinalakay nina Mayor Joy Belmonte at National Authority for Child Care (NACC) Executive Director Usec. Janella Ejercito Estrada kung paano ito mas maipapatupad sa lungsod.
Magtatalaga ang lungsod ng social worker na nakatutok sa alternative child care services para masiguro ang proteksyon at karapatan ng mga bata, at mabigyan ng karampatang atensyon ang kanilang pangangailangan.
Dumalo rin sa meeting sina Councilor Chuckie Antonio, NACC Deputy Director Asec. Madeline Arezu Ty Jam, at Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao.