Nag courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team kasama ang kanilang coaches matapos nilang makamit ang gold sa ginanap na 31st South East Asian Games.
Pinuri ni Mayor Belmonte ang mga atletang Pinoy na nagpamalas ng galing sa mga kumpetisyon tulad ng SEA Games. Dagdag pa niya, isa sa mga proyekto ng pamahalaang lungsod ang pag-rehabilitate ng Amoranto Sports Complex at pag buo ng mga programa sa sports development.
Noong 2020, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Quezon City Sports and Recreation Management Code kung saan layunin nitong bumuo ng komprehensibong sports program na makatutulong sa mga kabataang atleta sa QC.



















