Nagcourtesy call si Chiba City, Japan Coun. Yusuke Okada kay Mayor Joy Belmonte.
Tinalakay nila ang exchange student program ng Quezon City at Chiba City, pati na rin ang mga programang pang-edukasyon upang mas maging aktibo pa ang relasyon ng dalawang lungsod.
Kasama ng alkalde sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.